TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Bagong coronavirus strain, sinakop ang 60% ng mga kaso sa UK

 Ni Dorothy Geraga

LARAWAN MULA SA: Star Mag

     Pahirap sa buong mundo kung maituturing ang pandemyang dulot ng coronavirus na umusbong sa Wuhan, China. Ngunit, kamakailan lang ay naitala ang mga bagong kaso ng bagong variant ng Severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2) o B.1.1.7 na nagmula sa United Kingdom, at tumawid na sa iba't ibang panig ng mundo. Ito rin ang sanhi ng dalawang-katlo (⅔) o aabot ng 60 bahagdan na mga kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa England, ayon sa BBC.

     Nadiskubre ang naturang variant noong Setyembre, at base sa testing data na inilabas ni Tony Cox—CEO ng NIHR National Biosample Centre and the Milton Keynes Lighthouse Coronavirus Testing Mega-Lab—sa kaniyang Twitter account noong ika-27 ng Disyembre, 2020, umabot na sa 80 bahagdan ang nasakop ng B117 sa mga bagong kasong naitala.

     Ayon naman sa talang inilahad ni Dr. Erik Volz ng Imperial College London, ika-18 ng Disyembre, 70 porsyentong mas nakahahawa ang bagong variant.

     Aniya, "It is really too early to tell… but from what we see so far it is growing very quickly, it is growing faster than [a previous variant] ever grew, but it is important to keep an eye on this."

     Hanggang ngayon ay wala pa ring kongkretong talaang tumutukoy kung gaano ba kadelikado at nakahahawa ang B117. Gayunpaman, inilahad ni James Gallagher—health at science correspondent—sa kaniyang artikulo sa BBC, "Scientists, whose work is not yet public, have told me figures both much higher and much lower than 70%."

     "The amount of evidence in the public domain is woefully inadequate to draw strong or firm opinions on whether the virus has truly increased transmission," pahayag din Professor Jonathan Ball, virologist sa Unibersidad ng Nottingham.

     Sinabi rin ni Cox sa kaniyang naunang tweet update ukol sa variant noong ika-19 ng Disyembre, "There is reportedly a correlation between the new variant and increased infectivity, but that is not known to extend to more severe symptoms. Very important not to draw unsupported inferences."

     Sa kabilang dako, bagaman nagbago ang istruktura ng B117 kumpara sa naunang strain ng coronavirus nang dahil sa mutation—pagbabago (N501Y) at deletion (H69/V70) ng spike o receptor-binding domain—ay pinaniniwalaang tatalab pa rin ang mga bakuna ng AstraZeneca, Moderna, at Pfizer laban sa variant na ito sapagkat likas sa mga bakuna na sanayin ang mga antibodies sa katawan upang atakihin ang iba't ibang parte ng virus. Ngunit, pinangangambahan pa rin ang posibilidad ng "vaccine escape" ng variant na ito.

     Ayon kasi sa pagsusuri ng grupo nila Professor Ravi Gupta ng Unibersidad ng Cambridge, sa pamamagitan ng mga mutation/deletion ng isang virus ay nagiging "less effective" ang antibodies sa dugo ng taong minsan ng tinamaan ng virus.

     Sinabi ni Gupta, "This virus is potentially on a pathway for vaccine escape, it has taken the first couple of steps towards that."

     Gayunpaman, payo ni Cox, "Protection from this variant, or indeed any other, is to carefully and completely observe all infection prevention advice (masks, distance, hand hygiene, bubbles, travel restrictions etc)."


KAUGNAY NA ULAT: https://www.bbc.com/news/health-55388846

https://twitter.com/The_Soup_Dragon/status/1343486949034766336?s=19

https://twitter.com/The_Soup_Dragon/status/1340349642681278467?s=19


PAALALA