TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Dela Rosa vs culture of impunity sa PNP: 'Kalokohan'

 Ni Gwyneth Morales

Senador Ronald "Bato" Dela Rosa (LARAWAN MULA SA: ABS-CBN News)

Umalma nitong Sabado si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa na mayroong culture of impunity umano sa Philippine National Police (PNP) matapos ang pag-viral ng videos ng mga mapang-abusong pulis.

"Kung totoo 'yan na may impunity bakit umabot nang 93 percent ang approval rating ng pangulo? Kalokohan 'yan," diin ni Dela Rosa sa isang public press briefing.

Pinag-initan ang PNP pagkatapos kumalat ang videos ng pamamaril ni Police Master Sergeant Jonel Nuezca sa dalawa nitong kapitbahay na walang armas, Sonia at Frank Gregorio dahil sa pagtatalo nito sa paputok.

Sinisi ng ibang kritiko si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa "culture of impunity" na pinaiiral nito tulad ng pagkunsinti umano sa mga pulis na pumatay ng mga suspek ng droga at iba pang lumalabag sa batas.

Subalit, kinontra ito ni Dela Rosa, na dati ring hepe ng PNP, at sinabing marapat na kinokonsidera din ang mga napapatay na pulis sa operasyon kung laganap ang nasabing kultura.

"Kasi nga mayroon bang presidente, chief of PNP, regional director… Mayroon bang chief of police or to the lowest level of command ng PNP na nagsasabi na patayin natin ang mga suspek? Mayroon ba? Wala naman," pagrarason ni Dela Rosa.

"How about 'yung mga pulis natin na namatay and na-injure they are also victims of culture of impunity? Kung gusto nilang i-establish ang culture of impunity na nangyayari. So biktima rin ng culture of impunity ang pulis na namamamatay," aniya pa.


KAUGNAY NA ULAT: https://news.abs-cbn.com/news/12/26/20/kalokohan-dela-rosa-denies-culture-of-impunity-in-pnp-amid-killer-cop-case-other-slays

PAALALA