TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Galvez sa pag-resign ni Mayor Magalong: ‘Malaking kawalan sa amin ‘yun’

 Nina Deighton Acuin at Gwyneth Morales

LARAWAN MULA SA: Philippine Daily Inquirer

Itinanggi ng gobyerno ang resignation ni Baguio City Mayor at Contact Tracing Czar Benjamin Magalong sapagkat isa itong malaking kawalan sa laban kontra COVID-19, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Nag-ungkat ang pag-resign ni Magalong matapos niyang makatanggap ng kritisismo dahil sa pagpunta sa isang party na kung saan nalabag ang minimum health protocols.

“Napakasakit sa amin noong pinasa niya sa amin ‘yung kanyang resignation. Hindi namin matatanggap kasi napakalaki ng ginawa po ni Mayor Magalong sa amin,” ani Galvez sa isang press conference na ginanap sa Maynila nitong Biyernes.

“He’s very professional and malaking kawalan sa ‘min ‘yun,” aniya pa.

Sinabi ni Galvez na napakahalaga ng contact tracing dahil sa nalalapit na pagbabakuna ng pamahalaan sa lahat ng Pilipino at kinakailangang maobserbahan kung mayroong side effects ang bawat makakatanggap.

Binigyan niya rin ng depensa sa pagpunta ni Magalong sa party at hinikayat ang publiko na bigyan ng magandang intensyon ang pinunong lungsod.

“Talagang bagsak ‘yung ekonomiya ng Baguio terms of tourism and hotel management at accommodation. Alam naman natin na ang Baguio, ang pinaka-main source of its earning is basically on tourism,” ani Galvez

“So tingnan natin ‘yung ulterior motive, ‘yung magandang motive ni Sir Benjie on why he is there and we give him the benefit of the doubt sana,” aniya pa.

Para naman kay Testing Czar Vince Dizon, “unquestionable” ang integridad ni Mayor Magalong.

“Bihirang bihira ang nagseserbisyo sa publiko na humble enough to admit na nagkulang siya at nagkamali siya,” ani Dizon.

“‘Yung integridad ni Mayor Benjie is unquestionable kaya dahil doon hindi talaga namin matatanggap ang kanyang resignation. Kailangang kailangan namin siya, kailangang kailangan siya ng bansa,” dagdag ng opisyal.


KAUGNAY NA ULAT: Philippine Daily Inquirer