TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Lacson kay Galvez: Walang pamumulitika sa imbestigasyon ng Senado

 Nina Deighton Acuin at Gwyneth Morales

LARAWAN MULA SA: ABS-CBN News

Sinagot ni Senador Panfilo Lacson nitong Biyernes ang paratang ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na namumulitika umano ang ilang senador sa umuusad na imbestigasyon tungkol sa vaccination drive na inilatag ng pamahalaan.

"Secretary Carlito Galvez Jr. virtually accused the Senate or at least some senators who asked questions during last Monday's hearing of, quoting his own words, 'demonizing vaccine developers or hurting the ongoing negotiations of the government with vaccine manufacturers and suppliers apparently referring to Sinovac," ani Lacson.

"Let me assure Secretary Galvez, walang pulitika sa pagdinig na ito. Katulad din ng isinagawa natin pagdinig kamakailan lamang sa pang-aabusong ginawa sa pondo ng PhilHealth," aniya pa.

Tinanggi rin ni Lacson ang mga alegasyong pagkakaroon ng ibang agenda laban kay Health Secretary Francisco Duque III, ang kalihim na nasasailalim sa mga kontrobersiya.

Kanya ring binigyan ng depensa ang katas-taasang kapulungan, ginagawa lamang nito ang tungkuling “check and balance” sa pag-iimbestiga ng mga kaso.

"Let me assure Secretary Galvez, walang pulitika sa pagdinig na ito. Katulad din ng isinagawa natin pagdinig kamakailan lamang sa pangaabusong ginawa sa pondo ng PhilHealth,” ani Lacson.

"It is incumbent upon us to exercise our mandate to demand transparency and accountability from our chief implementers on how they use or plan to use public funds... Tagatanong lang tayo Mr. President, ang mga resource person ang nagbibigya ng mga datos na minsan ay mgakakasalungat at magulo," paliwanag pa ng senador.

Isa si Lacson sa mga mambabatas na kinwestyon ang pagpili ng gobyerno sa bakuna mula sa Sinovac, isang Chinese pharmaceutical firm.

Gayumpaman, sinabi ni Galvez na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya sa pagbili ng bakuna sa ibang kumpanya, sa kabila ng di-umanong “immense limitation” sa supply.


KAUGNAY NA ULAT: GMA News