TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

OVP kay Mocha Uson: Huwag kaming idamay sa kalokohan niya

 Nina Deighton Acuin at Gwyneth Morales

PHOTO: Philippine Daily Inquirer

Hinikayat ng tagapagsalita ni Bise Presidente Leni Robredo nitong Biyernes na iwasan ni Overseas Workers Welfare Association Deputy Executive Director Mocha Uson ang pagdawit sa opisina sa kanyang mga alegasyon.

Ayon sa isang pahayag ni Attorney Barry Gutierrez, hindi dapat dinadamay ni Uson ang Office of the Vice President (OVP) sa kaniyang mga isyu — pagkatapos maging target ng kumakalat na impormasyon dahil sa pagiging mababa ni Robredo sa mga sarbey.

“Huwag nga niya kaming idamay sa kalokohan niya,” ani Gutierrez.

Nangyari ito matapos kumalat ang intrigang buntis umano si Uson at ang actor na si Robin Padilla ang ama nito. Kilala sila bilang mga personalidad na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Agad namang nilayo ni Uson ang sarili sa mga tsismis sa pamamagitan ng pag-post ng isang workout video. 

Aniya pa, nakahihiya ang naging tsismis dahil hindi karapat-dapat madawit ang isang 'napakabait' na tao kagaya ng asawa ni Padilla na si Mariel Rodriguez.

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? Wala pong katotohanan ‘yang tsismis na ‘yan. Napakabait po nung tao,“ ani Uson sa isang Facebook post. 

“Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay ‘yung mga bitter sa ating gobyerno.”

“Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” aniya pa.

Tinawanan na lamang ni Rodriguez ang mga intriga.


KAUGNAY NA ULAT: Philippine Daily Inquirer

PAALALA