TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Roque pinagbawalang mag-TikTok

 Ni Gwyneth Morales

PHOTO: Esquiremag

Ibinunyag ni Presidential Spokesperon Harry Roque na pinagsabihan siyang tantanan ang paggamit ng TikTok, isang video-sharing platform, matapos niyang bumalik sa kanyang posisyon sa Malacañang.

Sa isang panayam kasama ang Politiko, isang online news organization, sinabi ni Roque na hindi niya ginustong tumigil bigla sa kanyang pagiging TikTokerist, isang pinausong termino para sa mga taong gumagamit ng TikTok.

"Napatigil po ang aking TikTok. ‘Yan po ang sinabi sa akin na dapat ‘wag muna mag-TikTok pagbalik ko bilang spokesperson," aniya.

Subalit, hindi niya binanggit kung ano ang pangalan ng nagbawal sa kanya.

"Mayroon talaga. Mayroon talagang order," pagtawa niyang sabi.

Inamin din niyang isa ang Tiktok sa kanyang mga naging pampalipas oras bago siya pagbawalang gumamit nito.

“Kaya nga ang sabi ko ‘Nasupil ang karapatan kong mag-macho dance!’" biro niya.

Ngunit, siniguro naman ni Roque na magbabalik siya bilang TikTokerist kapag tapos na ang kanyang trabaho bilang spokesperson.

“Hindi naman tayo magtatagal at babalik po tayo sa pribadong buhay, magti-Tiktok po tayo uli," aniya.

Noong nakaraang Abril, ibinalik si Roque bilang spokesperson ng pangulo at ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Dati nang naging viral ang kanyang naging TikTok videos bago siya bumalik sa gobyerno noong nakaraang taon.


KAUGNAY NA ULAT: Manila Bulletin

PAALALA