Ni Annie Jane Jaminal

LARAWAN MULA SA: PCOO

Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipaalam pa rin ang tatak ng bakuna ngunit sa bawat indibidwal na lamang na nakatakdang turukan sa mismong vaccination site. 

"The person will be informed of the brand in the vaccination center and he will have to give his informed consent but if he refuses, he will have to go back to the back of the line," ani DILG Secretary Eduardo Año sa isang pahayag.

Alinsunod ito sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na ihinto ang pagpapahayag ng tatak ng bakuna sa publiko upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga vaccination center.

Bukod pa rito, nais din ng DILG na itigil ang maagang pag-anunsyo ng tatak ng bakuna sa mga lokal na pamahalaan.

"The best vaccine is the one that is available; therefore in order to overcome brand preference, LGUs should not announce the brand of vaccine to be used in vaccination centers," wika ni Año.

Dagdag pa ng kalihim, mas mahalagang maabot ang herd immunity kontra COVID-19 sa lalong madaling panahon.

"Given that every single day of delay increases the risk of covid transmission or infection, it is imperative the people get vaccinated immediately using the available vaccine," aniya.


KAUGNAY NA ULAT: GMA News