Ni Patricia Nicole Culob

PHOTO: CNN Philippines


Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang P5.3 milyon halaga ng pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga rating rebelde dahil umano sa "inappropriate documentation" nito.

Saad ng COA, "inappropriately documented" ang P1.28 milyon pondo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), at P4.04 milyon naman para sa Livelihood Settlement Grant (LSG) assistance.



“...Disbursed Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E- CLIP) and Livelihood Settlement Grants (LSG) Assistance amounting to ₱1,280,000.00 and ₱4,040,000.00, respectively, to 330 former rebels were supported with inappropriate and/or with lacking documentation, thereby, casting doubt on the propriety and validity of the transactions,” hayag ng COA.

Hindi rin daw makilala ang mga beneficiaries dahil hindi ni-require ng DSWD ang pagpapasa ng government-issued IDs.

Ayon sa DSWD guidelines, makakatanggap ng P20,000 ang mga "eligible former rebels" sa ilalim ng LSG, at P10,000 naman ang sa ilalim ng E-CLIP.

Kaugnay nito, kinakailangan na "duly certified by the Joint AFP-PNP Intelligence Committee (JAPIC), endorsed by the E-CLIP Committee, and at least 18 years old” ang mga beneficiaries ng LSG, samantalang JAPIC certification at endorsement mula sa komite ng E-CLIP naman ang para sa beneficiaries nito.

Ngunit hayag ng COA, photocopy o Certified True Copy (CTC) lamang ng JAPIC certification ang inilagay ng DSWD bilang proof of transaction.

Tanging JAPIC certification at E-CLIP endorsements lamang ang "vital documents attesting the eligibility of the beneficiaries" upang makinabang sa pondo.

“The identity could not be ascertained through the usual and proper channel like presentation of government-issued identity cards. Thus, the original copy of the certification attesting the identity and eligibility of the beneficiaries should not be dispensed with or replaced with the certified copy of the document,” paliwanag ng COA.



Sa kabilang banda, pumayag naman ang mga opisyal ng DSWD na magpasa ng orihinal na kopya ng mga dokumento upang patunayan ang pagkakakilanlan ng mga beneficiaries. 

Nangako rin sila na dadaan sa masusing pag-aaral ang bawat dokumentong isinusumite sa iba't ibang ahensya.


Sanggunian ng ulat: Rappler