Ni Daniel Enrico Chua

PHOTO: Qatar Tribune

“Ang initial reaction ng Presidente, kung talagang pilot, at sa mga areas na mababa talaga ang kaso, he may allow it, just so we can pilot it and see if it works if it can be implemented in other areas.”

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Setyembre 6, bago pahintulutan ni Pangulong Duterte ang pagbubukas ng pilot face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabilang banda, nais magkaisa ng mga kinatawan ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na humarap sa Pangulo upang talakayin ang mga dapat isaalang-alang ukol sa pag-implementa ng face-to-face classes sapagkat hindi na naging seryoso ang usapang ito sa edukasyon.

“It is a multidisciplinary issue now involving the health department because of mental health issues, effect to the children, and the lack of socialization on the children; as well as an economic problem because we are dealing with a generation that could possibly be lost as a result of yung hybrid na ini-implement natin” ani Roque.

“I wanted to schedule it as early as possible but we’re working on it. I want it to be an intimate meeting with the President, just on this topic.” Dagdag pa niya.



Ayon naman kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kung sino man ang sasalang sa pilot face-to-face classes ay kinakailangang mabigyan ng konsiderasyong makatanggap ng bakuna kontra COVID-19 kahit wala sa priority areas.

“May kasunduan with the Department of Health na ‘yung mga nasa schools na kalahok dito sa pilot face-to-face ay kahit hindi nasa priority areas ay bibigyan ng consideration para sa vaccination." ulat ni Malaluan sa kanyang Virtual Briefing.

Gayunpaman, pipiliin lamang ang mga tauhang lalahok na kinakailangang mabakunahan bilang paghahanda sa pilot face-to-face classes. Sa kasalukuyan, 120 paaralan na ang pinayagang manguna kung sakali mang matuloy na ang pag-implementa ng nasabing pilot face-to-face classes.

Batay sa itinalang datos ng DOH, humigit kumulang 1.2 milyong mga guro at empleyado ang inaasahang mabigyang prayoridad sa bakuna kontra COVID-19.

Bukod rito, inaasahan ang pagpapatupad ng pilot face-to-face classes mula sa kindergarten at Baitang 1 hanggang 3. Nabanggit din ni Malaluan na lilimitahan din hanggang tatlong oras ang klase ng mga mag-aaral na sasabak sa pilot face-to-face classes.

Samantala, patuloy pa ring sinisikap ng mga kagawaran ang pagsunod sa anti-COVID Protocols sa pagpapalaganap ng face-to-face classes sa mga piling lugar kahit nasa low risk-areas pa ang mga ito.



DISCLAIMER