TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

MPL: BLACKLIST, TUTUNGO SA SEMI-FINALS NG LOWER BRACKET, NEXPLAY BAGSAK SA 4TH PLACE

Ni Sebastian Lei Garcia

PHOTO: MPL

May pag-asa pang makatungo ang ang “Reigning Champions” Blacklist International sa Grand finals makaraang lampasuhin ang Nexplay Evos, 3-0, sa MPL Playoffs Season 8, kanina.

Hindi parin kumukupas ang Aldous-Rafaela combo nina Wise at OmhyVeenus matapos kunin ang game 3 kontra sa Nexplay, naging susi din si Gold Laner Oheb dahil sa kanyang 7-minute mark comeback sa buong tatlong laro.

Muntik na maagaw ni H2wo nang Nexplay Evos ang Lord sa Blacklist ngunit hindi ito pinabayaan ni Oheb nakuha niya ito gamit second skill ni hero Natan Interference, may nakalipas na 18:17 minuto sa pangatlong tagpo.

Naging maganda ang drafts ng Blacklist kasi ito ang kanilang comfort picks, at nanalo din sila dahil nilimitahan nila ang mga hero ng Core ng Nexplay H2wo.

Nasayang man ang hirap at galing ni “rising superstar” Hesa Hesa, naputol naman na nila ang 8th place curse ng Nexplay, at sila ngayon ay bumagsak sa ika-tatlong pwesto.

Malalaman naman natin kung sino sa Omega Esports at Onic Philippines ang pupunta na sa Grandfinals, mamaya at kung sino ba-baba sa lower bracket para kalabanin ang Blacklist, upang maka-akyat muli sa upper bracket,