PBA: TALK N’ TEXT, DINUROG ANG HOTSHOTS;INANGKIN ANG PANGALAWANG PANALO SA FINALS
Ni Sebastian Lei Garcia
PHOTO: PBA |
Walang kupas ang mahika ng Talk n’ Text Tropang Giga makaraang tambakan ang Magnolia Hotshots, 105-93, at dinakip ang pangalawang wagi nito sa finals ng PBA 2021, kanina sa DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga.
Pinamunuan muli ni Mikey Williams ang Talk n’ Text na nagpasok ng 28 tirada, siyam na rebounds at anim na assists na naging pangunahing dahilan upang ma-muno ang kanyang liga na mayroong 2-0 edge.
Naging desidido na agad ang laban sa ikalawang kwarter matapos mag-ukit ng 5-of-9 na three point shot si Williams, upang ilaki ang agwat ng bentahe sa 21 puntos, 57-36, at para wasakin ang nabubuo na pag-asa ng mga tagahanga ng Hotshots.
“We always say in our offense, the ball has energy. If they are willing to share it and move, then we just find the open men. That led to the hot shooting in the first half,” ani Talk n’ Text coach Chot Reyes
Nasayang lamang ang pinaghirapan na 25 basket ni Ian Sangalang at 12 ni Paul Lee dahil sa pagkawala ni Calvin Abueva noong huling kwarter may 5:21 minuto natitira matapos ma-foul out.
“But we talked about it at halftime, we knew it’s not going to last. In the end, we need to defend and rely on our defense and that’s what happened,” dagdag pa ni dating Gilas Pilipinas head coach Reyes
Muntik nang mabasag ng Talk n’ text ang “most threes made in PBA Finals” dahil sa kanilang 17 pasok na tres kanina sa finals.
Sasabak muli ang dalawang koponan sa Linggo, at magkaka-alaman na kung sino ang kukuha ng kalamangan para sa PBA Finals 2021.