Sabungerong mayor sa Romblon inaresto sa gitna ng Alert Level 3

By Monica Chloe Condrillon

PHOTO: Tutubi PH

Nahuling nilabag ng mismong mayor ng Ferrol, Romblon na si Jovencio Mayor Jr. ang mga regulasyon sa pagsasailalim sa lugar nila sa Alert Level 3 nang mahuli ang ehekutibo sa sabungan kasama ang 200 pang katao.

Nakatanggap ang Criminal Investigation Detection Group (CIDG) - Romblon ng impormasyon sa isinagawang illegal na sabong at agad sinugod ang Tubigon Square Garden Cockpit Arena  noong Linggo kung saan natagpuan umano ang opisyal. 

“It is unfortunate that an elected official was among the arrested violators, but we are just acting on reports with careful monitoring. It will be up for the prosecutor to appreciate the evidence,” saad ni Philippine National Police (PNP) chief General Dionardo Carlos.

Naaktuhan ng awtoridad ang pagsabong na sumusuway sa IATF Resolution No. 159-A series of 2022, at Presidential Decree 449 or the Cockfighting Law of 1974 na inamendahan ng Presidential Decree 1602 kung kaya hinuli ang lahat ng sangkot sa illegal gawain.

Kasama ng CIDG-Romblon sa isinagawang operasyon ang Ferrol MPS at Romblon Provincial Mobile Force Company na kapwa pinuri ni Police Brigadier General Sidney Hernia, Regional Director ng Police Regional Office Mimaropa, dahil sa ginawang pagsalakay.

“May this serve as a stern warning for other elected officials and illegal gamblers that MIMAROPA police will enforce the law without fear and favor,” pahayag ni Hernia.


Pangatwirang low-risk

Isang text message naman na galing kay Mayor noong lunes ang nagsasaad na pinahintulutan niya ang sabong sa kadahilanang nasa low-risk naman daw umano ang kanilang munisipalidad.

Aniya na nakamit na ng lugar ang herd immunity kontra COVID-19 at mahigit 70 porsyento naman sa kanilang populasyon ang vaccinated.

“Our COVID-19 case transmission rate, healthcare utilization rate and bed utilization rate are very low, thus, our municipality is considered a low risk municipality,” saad pa niya.

Katwiran niya na dahil dito, dapat nasa Alert Level 2 ang munisipalidad kung pagbabasehan ang IATF resolution.

“This is the reason why I allowed the request of my constituents as it is the only recreation of our farmers, fishers, and construction workers during Sundays with strict observance of minimum health protocols,” dagdag niya.



Previous Post Next Post