Pag-endorso ng PDP-Laban sa UniTeam, panimula na raw ng ‘national unity’

Ni Xhiela Mie Cruz

PHOTO: ABS-CBN News

Nanindigan ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na panimula na umano ng ‘message of national unity’ ang pagpapahayag ng suporta ng PDP-Laban sa Bongbong-Sara tandem.

Ani ng chief of staff at spokesperson ni Marcos na si Vic Rodriguez, noong Martes, marami nang nahihikayat na nagreresulta sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino kaya naman gayon na lamang ang kanilang pasasalamat sa pag-endorso sa kanila ng PDP-Laban.

“We are glad the PDP-Laban has joined the bandwagon of support for the BBM-Sara UniTeam of major political parties in the country. It is truly reassuring, but at the same time challenging us to be even more prepared and vigilant in light of growing rumors of possible poll fraud in the coming elections,” sabi ni Rodriguez.

“The trust it placed in him (Marcos) inspires us beyond measure, for it signals that our message of national unity is gaining ground,” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, hindi naman umano magpapatinag ang UniTeam sa kabi-kabilang pambabatikos na kanilang natatanggap.

“It’s barely two months before the D-Day; and all the national surveys indicate a runaway advantage for Marcos Jr., but we cannot be complacent as the forces that try to put him down ever since, has not cease, and apparently has even intensified their gutter ways,” ani Rodriguez.

Sa huli, ipinarating ni Rodriguez ang pasasalamat nito sa PDP-Laban at ipinahayag niya rin na umaasa siya na magiging maganda ang samahan ng mga ito.

“Again, we thank PDP-Laban for joining the crescendoing chorus of national unification as we call on our supporters not to blink, not yet, for victory may only be claimed when votes have already been cast and every ballot counted on election day,” saad niya.


Iwinasto ni Maverick Joe Velasco
Previous Post Next Post