NXPE winalis ang Echo, kumopo ng huling regular season win

Ni Sebastian Lei Garcia

PHOTO: GMA Sports

ALIAGA - Nagpalasap ang Nexplay Evos ng patag na 2-0 sweep sa superteam Echo Esports upang ibawi ang nasayang nitong puntos noong Week 4, sa huling araw ng Group Stage Week 8 ng MPL S9 nitong Linggo.

Naging susi ng NXPE ang pag-ubos ng “Dyrroth” ni URESHI na kumubra ng 6/0/2 KDA at maniac sa huling momento ng laro upang hablutin ang wagi kontra sa Echo.

Noong Week 4 pa dapat nagkaharap ang dalawang koponan ngunit dahilan sa traffic ay nauwi sa default ang pagkatalo ng NXPE at napunta sa Echo ang puntos.

Malungkot naman ang mga fans ng “THE BIG 3” matapos hindi mangyari ang inaasam nilang reunion ng trio nina Yawi (ECHO) at RENEJAY at H2wo (NXPE) dahil hindi sila pinalaro.

Kinarma si Yawi ng Echo matapos yabangan ang NXPE sa simula ng naturang match at pagkatapos ay lampasuhin ng dating koponan via 0-2 iskor.

Maagang tinakot ng NXPE ang Echo bandang 8:30 segundo ng Game 1, salamat sa mga “biglaang dila” ng “Barats” ni MP THE KING kasabay ng pagkuha nito ng Turtle.

Naging daan para sa NXPE na makaungos lalo sa Game 2 ang serye ng mga split push na parte ng kanilang kongkretong plano.

Matatandaang nitong 2021 ay magkakasamang nakapwesto sina dating NXPE Yawi, Renejay at H2wo sa Top 3 ng MPL Season 8, ngunti kumalas sa grupo si Yawi matapos masulot ng Echo.  

Samantala, hindi pa naglalabas ang MPL Philippines ng official schedule para sa mga laban sa playoffs na magaganap pagkatapos ng Semana Santa.



Previous Post Next Post