Angeline Ashlee Marquez at Rinoa Kate Dela Cruz 

“When we vote, we take back our power to choose, to speak up, and to stand with those who support us and each other.” - Loung Ung 


Panibagong eleksyon, bagong kampanya na naman at mga tarpaulin ang lilitaw sa bawat sulok ng mga komunidad sa Pilipinas. Isa-isa na ring magsisilabasan ang mga paid advertisement at campaign jingle na tiyak ay gagawan pa ng dance challenge ng iilan. Ngunit sa kabila ng mga politikong nangangandidato para sa pagbabago, tila yata iisang mukha pa rin ang nakikita ng mga tao. 

Kaya sa darating na 2025 elections, alamin ang iba’t ibang importansya ng pagboto.

Tinta ng Bansa: Kasalukuyang Kalagayan ng Pilipinas

Sa pagkakaroon ng mabilisang balik-tanaw pagdating sa mga naganap sa bansa sa loob ng mga nagdaang taon, mapapansin ang mga usaping ekonomiya, agrikultura, edukasyon, at seguridad ng bansa. Sa mga ito, lilitaw rin ang mga isyu kaugnay sa Charter Change, Repormang Agraryo, Pagpapalit ng kawani sa Departamento ng Edukasyon, Sigalot sa West Philippine Sea, at ang Philippine Offshore Gaming Operators na nagsilitawan sa bansa. 

Bukod pa riyan, umiingay na rin ang pagdinig ng Senado pagdating sa badyet ng Opisina ng Bise-Presidenteng, si Inday Sara Duterte, at ang Extra Judicial Killings na naganap sa administrayon ng ama nito. 

Ilan lamang ito sa mga problemang hinaharap hindi lamang ng gobyerno kundi pati na rin ng mga taong pinamumunuan ito. Kaya kung titingnan, kritikal na kaganapan ang pagboto para baguhin ang mga posisyon ngayong halalan. 

Susi Sa Pagbabago: Kaugnayan ng LGUs sa Darating na Eleksyon

Habang ang pambansang pamahalaan ay hindi malapitan – ito ay naging isang pigura kung saan ang mga problema ng mga tao ay hindi napapansin; humahantong sa mga mamamayan na sumusubok sa kaguluhan, na walang sinuman upang malutas at mapaglikha nila ang mga solusyon para sa mga masasamang at paulit-ulit na problema sa nasabing estado. Ngunit, ang pambansang pamahalaan ay hindi lamabg ang tanging taong maaring lapitan, kundi mayroong isang pamahalaan na binuo mula sa pinakababang bahagi ng hanay ng pamahalaan upang tulungan at suportahan ang mga Pilipino: ang lokal na pamahalaan o local government unit (LGU).

Ito ang dahilan kung bakit ang lokal na pamahalaan ay umiiral upang siguruhin ang inklusibo at de-kalidad na pagpapasya sa mga lungsod, munisipalidad, at mga barangay kung saan sila ay partikular at maayos na nilalantad para sa mga tao sa iba't ibang sektor. Ang pangunahing tungkulin nito ay suportahan at makinig sa mga boses ng mga mamamayan sa kanilang mga lungsod; sila ay itinatag upang makalikha ng kaayusan sa mga munisipalidad, at maging mga lider sa mga nasabing komunidad para makipagsumulong dahil alam nila ang mga pangangailangan ng kanilang mga tao at ng komunidad na kanilang gusto serbisyuhan.

Sa nasabing konteksto, habang ang mga lokal na pamahalaan ay umiiral, paano nga sila maaasahan ngayon ng kumakatok sa mga pintuan ng mga Pilipino muli ang halalan ngayon? Sila ay naging kritikal dahil sila ay maaaring magbigay ng kampanya ng pagpapalawak ng kaalaman at edukasyon sa mga botante sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga materyales na madaling maintindihan, pahabain ang mga perspektibo at mga isipan ng mga tao sa mga lider na dapat hanapin, gayundin sa pagpapahayag sa mga tao kung gaano kalakas ang kanilang boto sa mga lokal at nasyonal na halalan dahil sila ay may awtoridad sa kung sino ang dapat mamuno para sa mga tao. 

Dagdag pa, ang mga nasabing LGU ay lubos na umaasa sa suportang grassroots, kung saan ang mga namumuno sa mga nasabing munisipalidad ay mga mamamayan na lubos na nakakakilala sa kanilang mga tao – kahit na sa pagtukoy at paglikha ng mga solusyon upang maiwasan at magawan ng solusyonan ang mga problema nila sa wakas.

Sa paraang ito, ang mga LGU ay nakagagawa ng koneksyon at tiwala sa mga tao habang tinutugunan ang mga kasalukuyang hamon na maaaring makapagpalit sa kanilang paniniwala para sa mabuting pamamahala at pagbabago.

Boto sa Balota: Isang Hakbang sa Pagpapalakas ng Demokrasya

Sa nalalapit na halalan, mahalaga na alamin ang malaking epekto ng iyong boto. Ang pagboto ay isa sa mga pundasyon ng demokrasya dahil ang Pilipinas ay isang demokrasyang bansa na ukol importante ang boses ng mamamayan, na kung saan ito ay ang kakayahan nila para magkaroon ng pagbabago at makapag hubog sa mga hinaharap ng bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagboboto ay paraan upang makapili ng susunod na henerasyon ng mga lider na magpapamuno sa kanila at tutugon sa mga pangangailangan ng mga naghahanap ng tulong at suporta.

Sa pamamagitan ng pagboto, nagagamit ng mga Pilipino ang kanilang karapatang mamili at magluklok ng mga karapat-dapat na mga kandidato. Ngunit sa kabila nito, matitingnang mababa pa rin ang voter turnout mula 70 milyon noong 2022 ng asa voting age kumpara sa naka ilan lang ang nagregister ng 1.2 milyon. Kaya naman, ngayong nasa gitna ng mga isyu ang bansa, mahalagang makita na ang pagboto ay hindi lamang isang karapatan kundi isa ring responsibilidad na may kaakibat na konsiderasyon ang kritikal na pagdedesisyon.

Sa esensya ng demokrasya, may kapangyarihan ang pagboto na makapagbigay ng positibong pagbabago sa bansa at binibigyang tungkulin din nito ang mga Pilipino na magdemand ng maayos na pamamalakad sa gobyerno ba siyang nakaayon sa interes at tamang representasyon ng bayang pinaglilingkuran nito.

Sa bawat nagdaang taon, karaniwang nahuhulog ang balota ng mga Pilipino sa mga kandidatong may bitbit na malalaking apelyido at kasikatan. Sa katunayan, madaming botante ay may kaunting kaalaman sa sistema ng halalan at pamahalaan, na sa kabilang banda ay nakakaapekto sa uri ng pangangatwiran na ginagamit kapag pinipili ang mga kandidato para sa kanino sila boboto. Kaya dahil dito, patuloy na nakakaranas ng isyu ang mga Pilipino dahil sa pagkakaroon ng mga lider na ginagamit ang awtoridad sa pansarili nilang interes. 

Kaya sa darating na botohan, mainam lamang na gamitin ang karapatan upang bumoto upang baguhin ang politikal na klima ng bansa. Marapat lang din na manatiling kritikal at may obserbasyon sa mga kandidatong maglilingkod sa bansa. Mahalagang may basehan pagdating sa pagboto ngunit mas mahalaga kung kasama sa basehang ito ang kanilang track record, mga polisiyang naisulat, at ang kanilang plano para sa kanilang termino.

Manatiling kritikal, maalam, at may pakielam. Magrehistro na at makiisa sa gaganaping 2025 Elections at sumama sa pagbabago ng gobyerno.

Nalalapit na ang huling araw para sa Voter's Registration kaya para sa mga nais maging rehistrado, maaari itong gawin sa pinaka-malapit na opisina ng COMELEC. 

Tandaan, bawat boto ay mahalaga at nasa bawat Pilipino ang tungkulin kung paano ito bigyan ng halaga. 

Every boto counts.