Sa likod ng ‘Syudad na hindi natutulog’: Cebu City nananatiling gising sa buong kapistahan; Diwa ng Sinulog pinairal ng mga deboto
Kriztelle Sitoy
Sa kabila ng mainit na panahon, hindi maipagkakaila ang dedikasyon ng mga deboto na makiisa sa pinakagrandeng kapistahang alay ng Cebu City, ang 460th Grand Sinulog Festival. Sa pagpatak ng tanghalian ay ipinuwesto na nila ang kanilang sarili upang makilahok sa Solemn Foot Procession, Sabado, January 18.
![]() |
Photo Courtesy of Daiven Monforte/Explained PH. |
Nagningning ang mga lansangan ng Cebu sa makulay na mga palamuti, masiglang musika, at masidhing pananampalataya sa pagdiriwang ng taunang kapistahan ngayong linggo.
Libu-libong lokal at dayuhang turista ang dumagsa upang saksihan ang engrandeng parada, tradisyunal na sayawan, at mga ritwal na alay kay Señor Santo Niño, ang batang banal.
"Ang karanasan ay napaka-taimtim, napakaganda lalo na kung talagang nakumpleto mo [ang nobena ng misa] dahil sa kaso ko, dumalo lamang ako sa ikaapat na araw ng misa. Gayunpaman, ayos lang dahil ito ay taimtim at banal. Idagdag pa ang karanasan ng napakaraming tao at ng mga dumayo sa Cebu upang saksihan ang pista ng Señor Santo Niño,” ani Aida Rodriguez, 61, debotong dumalo sa foot procession.
“Ang experience kay kanang solemn, kanang nindot kaayu ang feeling basta maka–ma komplete gyud nimo bah pero fourth raman gyud ko kay naa koy work unya pero bisag fourth day ra akong na simbahan, okay lang gyud gihapon kay kuan man, solemn nya sacred, nya kanang maka experience gyud ka ba sa kabaga sa tao, sa mga dumuduong nga ni-ari sa Cebu para pag-witness sa fiesta sa Señor Santo Niño.”
Ang relihiyosong aspeto ng Sinulog ang nananatiling sentro ng pagdiriwang.
Libong mga deboto ang nakiisa sa Fluvial Procession, kung saan ang isang replika ng Santo Niño ay idinaan sa Mactan Channel.
Gayundin, ang Solemn Procession sa bawat ruta ng lungsod ng Cebu ay dinagsa ng mga mananampalataya. Ang Basilica Minore del Santo Niño naman ay patuloy na tinungo ng mga peregrino upang magbigay-pugay sa Batang Hesus.
Ayon pa kay Gng. Rodriguez na mas nabigyang halaga ang kaayusan at pagka-organisado ang daloy ng selebrasyon ngayong taon.
“Last year, the [route] was long because we were at V. Rama and that place was long and hot whereas [the route] here seems fast, the flow was fast… The Cebuanos are peaceful… Some always announce what to do before praying and to just take it slow in going through the cordon, that there should be no pushing to avoid any accident.”
“Ang last year man gud taas kaayu kay didto mih sa kanang V Rama, taas kaayu toh didto nya init bah, init kaayu, whereas kani murag dali ra, dali ra ang flow bah… Peaceful gyud ang Cebuanos… naa gyud bitaw sige og announce na mao ni atung buhaton before mangadye unya inig sulod nimo sa cordon dili mag dali-dali, dili magtudlanay para wala lang disgrasya.”
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, pinailawan ng makukulay na fireworks ang kalangitan, habang ang sigaw ng “Pit Señor!” ay muling umalingawngaw sa buong Cebu—isang taimtim na panalangin at selebrasyon na patuloy na nag-uugnay sa mga Cebuano, henerasyon sa henerasyon.