Mañanita na naman? 'Fake news' — Sinas
Ni Gwyneth Morales
PNP Chief Debold Sinas (LARAWAN MULA SA: ABS-CBN News) |
Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief General
Debold Sinas nitong Lunes ang mga kumalat niyang larawang nagpapakitang dumalo
umano siya sa isang Christmas party.
"Negative po. Fake news po ‘yun. ‘Yung video na ’yun,
alam ko retirement ng kaklase ko doon sa Tuguegarao just before (the COVID-19
pandemic). Alam ko January pa ‘yun. Wala po kaming Christmas party. Siguro may
mga tao talagang walang magawa sa buhay," ani Sinas sa isang press
conference.
Dagdag pa niya, ginagamit lamang ang mga tao ang kanyang
larawan upang batikusin siya.
Galing sa screenshots ng video ang nag-viral na mga larawan
na kung saan masayang sumasayaw si Sinas habang nakasuot ng bughaw na pantaas.
Matatandaang sumikat ang hepe noong Mayo matapos niyang
nilabag ang quarantine protocols dahil sa pagdausdos ng mañanita para sa
kanyang 55th kaarawan.
Ngunit, pinatawad siya ni Pangulong Rodrigo Durerte at
sinabing mas nakagagalit ang korapsyon kaysa sa ginawa ni Sinas.
“Wala akong nakitang kasalanan na masama na may moral
implications... Maliit na bagay lang ‘yun. Dun ako galit sa mga corrupt,"
tanggol ni Duterte.
Itinalaga naman ni Duterte si Sinas bilang hepe noong
Nobyembre.
KAUGNAY NA ULAT: News5