WIKAalaman: 30 Salitang Tagalog na Pandagdag sa Bokabularyo
Nina Llewellyn Ziv Lim at Lujille Ardaine Pascua
![]() |
LARAWAN MULA SA: The Random Things Channel |
Tagalog man ang pinakakilalang wika sa Pilipinas, marami pa ring mga salita sa lengguwaheng ito ang hindi gaanong pamilyar para sa karamihan. Narito ang 30 salitang Tagalog na maaaring pandagdag sa inyong bokabularyo.
Marilag - maganda
Katipan - romantikong kapareha ng isang tao
Marahuyo - pagkaakit ng isang tao sa kagandahan ng bagay o isa pang tao
Pagsamo - ang akto ng pagmamakaawa; maaari ring tumukoy sa paghingi ng tulong sa pamamagitan ng panalangin
Balintataw - ang itim na bahagi ng mata na dinadaanan ng liwanag tungo sa retina
Kinaiya - mga katangiang taglay ng isang tao na bumubuo sa kaniyang pagkatao
Sapantaha - kutob o palagay; ang kolokyal na salitang kadalasang ginagamit para rito ay ang terminong “akala”
Samyo - salitang hindi na kadalasang ginagamit na nangangahulugang halimuyak
Kalinaw - kapayapaan
Asikot - makalumang salitang Tagalog na tumutukoy sa taong pakalat-kalat
Awon - pormal na salitang Tagalog na maaaring gamitin panghalili sa salitang “oo”
Kalatas - binigkas o nakasulat na paraan ng pakikipagkomunikasyon na karaniwang para sa pangkat ng mga tao
Wingkag - pwersahang pagbukas ng kandado gamit ang isang baras
Tunggak - pag-angat ng ulo ng ahas o ng ulo ng isda mula sa tubig
Kinaadman - kaalaman
Alpas - ang akto ng paglaya o makapag-maluwag
Alibugha - iresponsable; walang pakundangan sa paggastos ng salapi o yaman
Luningning - liwanag o ningning
Katampalasanan - kabastusan,kasamaan at kalokohan
Parikitan - ang pagandahin ang isang bagay
Pasinaya - pagtatalaga sa tungkulin
Yamot - inis o walang pasensya
Humaling - pagkakaroon ng matinding pagmamahal o damdamin sa isang tao o bagay
Baldog - pagkauntog o pagtama ng katawan sa lupa ng hindi inaasahan
Ungkat - pagbanggit ng mga bagay o salita na nakalipas na
Talastas - pagpapalitan ng impormasyon o kaalaman
Sinupin - pagtago o pag-ayos
Pagdarahop - pagkagutom o kahirapan
Pahimakas - isang huling paalam o salita
Kilatis - ang pagkilala o pagsusuri