TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Duterte inamin: Pagpuksa sa korapsyon ‘imposible’

Nina Deighton Acuin and Gwyneth Morales

LARAWAN MULA SA: Presidential Communications

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles na ‘imposible’ ang tuluyang pagpuksa ng korapsyon.

“I have promised the nation, I said, I would dedicate the remaining months of stay in the Office of the President going after corrupt people so that by the time they would be somewhat fewer,” ani Duterte sa kaniyang Talk to The People.

“Don’t expect me to entirely clean as a pristine clean bureaucracy. That is impossible and cannot really be achievable,” aniya pa.

Paulit-ulit nang pinakita ni Duterte ang kaniyang pagkainis sa korapsyon sa pamahalaan at minsan nang nagsabing maghahain siya ng pagbitiw sa puwesto.

Kaniyang sinabi na ninanais niyang dumulog sa Kongreso upang mapag-usapan ang mga isyu kaugnay sa korapsyon.

Kamakailan, inatasan ng Pangulo ang Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng imbestigasyon sa pamahalaan upang malabanan ang korapsyon.

Ang pagpuksa sa korapsyon ang isa sa mga pinagako ni Duterte nang kumandidato siya sa pagkapangulo nitong halalan noong 2016.


KAUGNAY NA ULAT: Philippine Daily Inquirer