Posibilidad ng pagputok ng Taal Volcano, tumaas — Phivolcs

Ni Prences Jhewen Albis

LARAWAN MULA SA: Handcrafted Trips

Abiso mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumaas ang posibilidad ng magmatic eruption ng Bulkang Taal dahil sa dumaraming aktibidad nito. 

Base sa pagsubaybay ng PHIVOLCS sa bulkan simula ika-13 ng Pebrero, naitala ang 2,015 na pagyanig sa paligid ng bulkan.

Tumaas din ang ibinubugang sulfur dioxide at nagkaroon ng mga ground deformation o pag-angat ng lupa sa volcano island. Indikasyon daw ito ng paggalaw ng magma sa isla. 

Nananatili pa rin sa alert level 2 ang bulkang taal kaya mahigpit na ipinagbabawal ng mga awtoridad ang pagpasok sa volcano island na isang permanent danger zone. 

Sa ngayon ay wala pang ipinapatupad na pagpapalikas sa mga residente ngunit nagpaalala ang PHIVOLCS na manatiling handa at alerto sakaling kailanganing magpatupad ng evacuation. 

Pinayuhan rin ng PHIVOLCS ang mga lokal na pamahalaan na suriin at palakasin ang kanilang kahandaan sa pagpapalikas sa mga baranggay na malapit sa Taal Lake. 


KAUGNAY NA ULAT: Philippine Daily Inquirer

PAALALA

Previous Post Next Post