Palpak na COVID response? ‘Di tayo nagkulang — Duterte

Nina Deighton Acuin at Gwyneth Morales

LARAWAN MULA SA: PCOO

“Hindi tayo nagkulang. Right after the WHO advisory, the following day, basta within 48 hours, we already had the task force.” 

Ito ang winika ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes laban sa mga kritiko ng umanong palpak na COVID-19 response ng gobyerno.

Sa kaniyang Talk to The People, sinabi ni Duterte na ang mga eksperto sa medisina ang nagpayo sa kaniya na magpatupad ng lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaniya ring pinayuhan ang publiko na walang dapat ipag-alala sapagkat ginagawa umano ng gobyerno ang lahat ng makakakaya, at nanawagang walang dapat ikatakot sapagkat hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas nito.

“Abogado naman ako, ‘di naman ako doktor. Eh kung anong sabihin ni Secretary Duque eh ‘yon ‘yong susundin ko eh kasi siya ‘yong Secretary of Health eh,” ani Duterte.

“We know what to do. Ang marami lang dito is maraming maingay… Everybody wants to be heard but the problem is there is no time to hear everyone. We do not have that luxury of time,” aniya pa.

Nitong Miyerkoles, dinepensahan ng Malacañang ang kanilang mga gawain laban sa pagsugpo ang pandemya bunsod ng pag-iral ng mga kritisismo at patuloy na pag-angat ng pambansang tala ng mga kaso.

Nitong Huwebes, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 904,285 COVID-19 cases, 705,164 recoveries, at 15,594 deaths.


KAUGNAY NA ULAT: GMA News


Previous Post Next Post