TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

BAHAGDAN NG COVID-19 SA BANSA MULING TUMAAS; EPEKTO NG DELTA VARIANT TUKOY NA

Ni Jhennisis Valdez

PHOTO: ABS-CBN News

Nakapagtala ang local government units (LGUs) ng NCR, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, at Bukidnon ng biglaang pagtaas sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar nitong mga nagdaang linggo.



Batay sa datos ng OCTA research na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong nakaraang araw, tinatayang nasa 2,189 ang average na kaso araw-araw na naitala magmula noong ika-tatlo hanggang ika-siyam ng Agosto sa NCR, na nagdulot ng pagtaas sa 41% kumpara sa mga nakaraang linggo.


Krisis sa loob ng ospital

Bukod pa rito, dahil sa muling pagtaas ng kaso ng nasabing sakit, malapit na namang mapuno ang mga ospital sa mga nasabing lugar, gaya ng Emergency Field Hospitals (EFHs) ng Philippine Red Cross, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), at Lung Center of the Philippines (LCP), ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon.

Bilang pagtugon, magpapadala agad ang PRC ng 100-bed EFHs capacity sa LCP at 20 naman sa NKTI. "Will be ramping up its EFH operation and plans of extending it are in the work," dagdag ni Gordon.

Samantala, binisita naman ng secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Mark Villar, ang bagong tayong ospital sa LCP compound. 

“I am grateful and thankful for all those involved who helped this much-needed hospital facility [be] completed,” ani Villar.




Iba ang Delta sa iba

Sa kabilang banda, kasabay ng pagtaas ng kaso sa bansa, nitong ika-9 ng Agosto, natukoy ng World Health Organization (WHO) ang maaaring sintomas ng Delta variant.

Ayon sa WHO digital health expert at Takeda Medical Director na si Melvin Sanicas, ang sintomas ng Delta variant ay hindi naiiba sa sintomas ng mga allergy, gaya ng pagkati at pamumula ng ilong.

Dagdag pa niya, hindi katulad ng orihinal na sintomas ng COVID-19 ang sa Delta, sapagkat hindi nawawalan ng pang-amoy at panlasa ang mga taong nagpositibo sa Delta variant, na kung saan taliwas sa mga naunang variant.

Maliban sa pangangati at pamumula ng ilong, pagkakaroon din ng sakit at pagsama ng pakiramdam ang ilan pa sa mga sintomas ng naturang variant, pahabol ni Sanicas sa naganap na forum na pinangunahan ng PhilSTAR at PhilSTAR Life.



Sa kabilang dako, ayon naman kay Vice President Leni Robredo sa kanyang interview kasama ang CNN Philippines, dapat pang lawakan at paigtingin ang aksyon ng gobyerno ukol sa panibagong variant ng COVID-19. 

“We really need to recalibrate our efforts now because the Delta variant is a game-changer. With the new information about the Delta variant, it seems that the previous recommendations no longer apply. So there’s really a need to recalibrate,” dagdag ni Robredo.


Sanggunian ng ulat: Philippine Star