Ni Ricci Cassandra Lim

PHOTO: Yahoo News

Layunin na mabakunahan ang mga menor de edad, taong 12-17, sa katapusan ng Setyembre o Oktubre ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. 


"We proposed really to the NITAG (Interim National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 vaccines) and to our experts that we have to include children as soon as possible considering that they will be also vulnerable, particularly those children with comorbidities," saad ni Galvez sa isang press conference matapos dumating ang 326,400 doses ng bakuna sa NAIA Terminal 3 nitong Linggo.




Bakuna mula sa American pharmaceutical company Pfizer pa lamang ang nabigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) upang gamitin sa edad 12-15.


Samantala, pinag-aaralan pa ng FDA ang pag-apruba sa Sinovac sa mga bata. 


"Once that we have supply of those vaccines, we can start. For as long as experts already allowed us to use these vaccines for 12 years and above or maybe three years and above," ani Galvez.


Naniniwala naman ang Department of Health (DOH) na hindi pa ito ang tamang oras upang mabakunahan ang mga menor de edad lalo na’t hindi pa sigurado ang suplay nito at dapat munang unahin ang mga nasa prayoridad.


"Kapag tinignan ang supplies natin ngayon ay hindi pa talaga sapat, we still have that unstable supply na hindi pa kayang bakunahan ang rest of the adult population. Para mas malaki ang impact ng gagawin nating bakunahan, ating pina-prioritize muna," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media briefing nitong Lunes.




Dagdag naman ni Galvez na kanilang kinokonsidera ang pagbili ng karagdagang 26 milyong bakuna.