TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

LAKAS KABABAIHAN: PAKIKIPAGSABAYAN SA MUNDO NG OLYMPICS

Ni Bryan Roy Raagas



Kasabay ng maraming pagbabagong ganap sa mundo, mas nagkakaroon ng kumpiyansa ang mga kababaihang atleta na makisabay sa mga kalalakihan sa mundo ng isports.



Pinatunayan ito ng karamihan sa kanila sa kasalukuyang Olympics na ginaganap sa Tokyo, Japan, na kung saan marami silang naipamalas na kakaibang karangalan sa kani-kanilang kategorya at karamihan pa doon ay naging makasaysayan pa para sa kanilang bansa.

PAGKILALA'T PAGBUHAT SA PERLAS NG SILANGAN

Sa taong ito, naglipana ang ilang bansa na nakakuha ng unang ginto mula nang sila'y sumali sa mismong quadrennial event, at isa na nga rito ang Pilipinas. Naging historiko para sa ating Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz na sungkitin ang first gold medal ng Pinas matapos buhatin ang Olympic-record 127 kilograms sapat para ungusan ang Chinese rival Liao Qiuyun sa 55-kg category.
    
Mula nang makuha niya ang pilak sa Rio Olympics noong 2016, pinagsikapan niya pang magsanay upang makuha ang ipinangako niyang ginto. Humihingi siya ng tulong sa mga pribadong sektor upang pondohan siya sa kanyang ginagawa, at nagsakripisyo siyang hindi makasama ang kanyang pamilya sa loob ng dalawang taon sa pamumuno nina Chinese coach Gao Kaiwen at coach Julius Naranjo. Sa loob din ng ilang taong paghihirap niya, nasuklian ito ng kanyang pagkamit sa pangarap na matagal niyang inaasam.

Bukod pa rito, nabiyayaan pa ang bansa ng isa pang siguradong medalya na mula rin sa isang babaeng boxer sa pagdomina ni Nesthy Petecio kay Yeni Arias of Colombia, 5-0, sa quarterfinals ng women's featherweight division.


REBOLUSYON NG KABABAIHAN SA TOKYO

Katulad din ng unang tikim ng Pilipinas sa ginto, nalasap naman ng Turkmenistan ang kanilang kauna-unahang medalya sa pagbuhat ni Polina Guryeva ng kabuuang 217 kilo sa kategoryang 59-kilo, na nakatakas kay Mikiko Andoh ng Japan para sa pangalawang puwesto at nahulog sa likuran ni Kuo Hsing-Chun ng Taiwan sa gintong medalya sa pamamagitan ng pag-angat ng 236kg.

Turkmenistan's Polina Guryeva smiles as she brings her country its first ever Olympic medal in the women's weightlifting category. (AFP Photos)

Naghirap si Guryeva sa pagsasanay, at kinopya niya pa, base sa kanya, ang pagsasanay ni Kuo na kanyang tinuturing na idolo. Sa payo din ng kanyang coach, ginamit niya ang isang taong pagkaantala sa mismong event na sanhi ng coronavirus upang i-reset, at bumababa sa lower class.



“I was in shock because it’s the first Olympic medal in the history of the Turkmen people. It’s the first medal, which I won. No sport in Turkmenistan has had a medal, not one medal,” aniya.

Mula sa kanilang istorya sa likod ng kanilang panalo, ipinakita nila na hindi lang kinukuha basta-basta ang medalya, bagkus ay pinagsisikapan ito. Maituturing itong kilos na kung kaya ng mga kalalakihan ay kaya rin ito ng kababaihan. Hindi sila maituturing na "babae lang", dahil sila ay mga babaeng ipinagmamalaki at kinikilalang bayani ng kanilang bansa.