TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Nas Daily sa Cacao Project: 'Fake story'

Ni Patricia Nicole Culob

PHOTO: Ms. Louise Mabulo

Kinundena ni Nuseir Yassin, nagtatag ng Nas Daily, ang Cacao Project ng negosyante na si Louise Mabulo at tinawag itong "fake story".

Sa isang video na inilabas ng Nas Daily, Agosto 8, inilahad ng content creator na magkaiba ang sitwasyong dinatnan nila sa Pilipinas sa kwentong sinabi sa kanila ni Mabulo.



"On paper, it was supposed to be a non-profit that helps farmers. In reality, it's a for-profit that exploits farmers. We said, we cannot do this video in good conscience. We cannot show you things that we are not confident of." Hayag nito.

Bukod pa riyan, nagpakita rin si Yassin ng mga screenshots ng pahayag mula sa mga taong kasama niya sa shooting upang patunayan ang paratang nito.

Dagdag pa niya, dumadaan sa pagsasaliksik ang bawat video na kanilang ginagawa.

"... We have to do research. We go to the internet… check things on the ground. We talked to the people again and again to verify… unfortunately we stumbled upon a fake story in the Philippines–which is the Cacao Project," saad ni Yassin.



Sa kabilang banda, nagpahayag ng suporta sa isang Facebook post si Miss International 2016 Kylie Versoza kay Mabulo upang patunayan na totoo ang Cacao Project, bilang nabisita niya ito noong 2019 para sa isang proyekto kasama ang MTV.

"I was able to talk to the farmers firsthand, they were very thankful for Louise and her program. Louise provided seeds and educated farmers on how to plant the most sustainable crop for her region, cacao... I could attest that her program and her advocacy is in fact true," saad ni Versoza.

Matatandaang nagsimula ang pasaringan ng dalawang panig matapos isiwalat ni Mabulo ang karanasan niya kasama si Yassin, kasunod ng isyu ng content creator kay Whang-Od, isang tanyag na tattoo artist sa bansa.



Sanggunian ng ulat: Rappler