TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Ginebra, TNT, kumubra ng panalo sa PBA

Ni Winlei Kim Castro

PHOTO: SPIN PH


Hindi umubra ang Phoenix Fuel Masters sa defending-champs Baranggay Ginebra San Miguel habang nalusutan naman ng top-seeded Talk n' Text Tropang Giga ang NorthPort Batang Pier sa 2021 PBA Philippine Cup kanina sa DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga.

Tinuldukan ng 7-0 run ng Baranggay Ginebra San Miguel sa huling minuto ng ika-apat na kwarter ang laro kontra sa Phoenix Fuel Master, 94-87, at tuluyang makuha ang comeback victory.

“It was a great comeback game. It was a game that our fans would have really loved,” ayon kay Baranggay Ginebra San Miguel Head Coach Tim Cone.

Samantala, dinagdagan pa ng Talk n' Text Tropang Giga ang kanilang 8-1 kartada matapos ang kanilang 102-92 panalo kontra sa NorthPort Batang Pier.

Nagtala si Former DLSU Green Archer Kib Montalbo ng 22 puntos, tatlong assist, at limang rebounds upang buhatin ang TNT Tropang Giga.

"Kib has been putting in the work and the work that he put in practice, extra shots, spending time in the way through extra conditioning I think he showing in the basketball court," ani Tropang Giga Head Coach Chot Reyes.

Magtatapat naman bukas ang Terrafirma Dyip at ang Meralco Bolts kasama ang NLEX Road Warriors at ang Blackwater Bossing.