TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Roque kay Duterte: ‘Mataba rin ako’

Ni Zamantha Pacariem

Screenshot from RTVM/PTV Livestream

Matapos sitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "katabaan" ni Senador Richard Gordon, humingi ng apela si Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol dito sapagkat siya ay "mataba rin."

Ayon kay Roque, “I may be spokesperson, but I agree. Mr. President, ‘wag mo na sitahin ang katabaan dahil, mea culpa, mataba rin ako,”

Ayon pa sa kanya, matagal na niyang nais magbawas ng timbang ngunit dahil sa quarantine restrictions ay naaantala ito. 

“Nagpapapayat naman ako kaya lang sarado po ang mga gym, kaya wala. Ngayon ang hirap na pong bumalik sa exercise. Pero susubukan ko po,” dagdag nito.



Matatandaang pinuna ni Duterte ang pangangatawan ni Gordon sa kanyang lingguhang talumpati noong Martes kung saan pinasadahan niya ang pang hihinala ng Blue Ribbon Committee sa overpricing ng mga pandemic supplies. 

Aniya, “Ang advise ko sa iyo, magpapayat ka muna para medyo.. nalilipong ako pag tinitingnan kita p--ang— ‘Wag mo putulin yan ah totoo ‘yan,”

Samantala, mariin namang itinanggi ng palasyo na overpriced ang mga nabiling pandemic supplies mula sa Pharmally. 

Bukod pa rito, sinabi nila na ibinigay ang mga kontrata sa sa Pharmally base sa abot kaya nitong presyo at sa magandang kalidad ng mga kagamitan.