Ni Gwyneth Morales

PHOTO: UPLB

Isang bagong tree species, Tristaniopsis flexuosa, ang nadiskubre ng mga botaniko na matatagpuan lamang sa Pilipinas, partikular sa Mount Redondo, Dinagat Island. 

Ipinasa nina Dr. Edwino S. Fernando, isang propresor sa Unibersidad ng Pilipinas - Los Baños (UPLB), at ang kaniyang kasama na si Peter G. Wilson mula sa Australian Institute of Botanical Science ang kanilang mga natuklasan sa the Journal of Plant Systematics noong Oktubre 29.

Ayon sa UPLB, nireporta ng mga mananaliksik na ang kulay-abong punong ito ay may tatlong metrong taas, at maliliit na mga dahon. 

“It was named ‘flexuosa’ because of its distinct crooked branches. Tristaniopsis flexuosa does not show any clear affinities to any other Philippine species of the genus, showing the most similarity with Tristaniopsis elliptica, a species from Borneo,” dagdag pa ng unibersidad.

Ang Tristaniopsis flexuosa ay mula sa pamilya ng Myrtaceae. Kabilang sa pamilyang ito ang puno ng makopa, guava, at eucalyptus. 

Dineposito ang specimen ng bagong species sa UPLB Museum of Natural History (MNH) Forestry Herbarium and Wood Collection.

Si Dr. Fernando ay isang botanikong dalubhasa sa kagubatan; at isang plant taxonomist, isang botanikong naggugrupo ng mga organismo ng mga halaman.