CEGP, nanawagang pa-imbestigahan mga press attacks sa gitna ng Halalan 2022 campaign season

Ni Kier James Hernandez


PHOTO: CEGP (Facebook)


"We call on our fellow campus press, youth, and government officials to be one with our demand to immediately probe these attacks." 


Ito ang panawagan ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) matapos makaranas ng sunud-sunod na distributed denial of service (DDoS) ang ilang mainstream at alternative media sa bansa. 


Matatandaang noong Pebrero 17, dalawang mamamahayag ng Rappler ang hindi pinayagang mag-cover sa campaign activities nina presidentiable Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Sara Duterte sa Ilocos Sur. 


Bukod sa Rappler, nakaranas din ang iba pang mainstream media gaya ng CNN Philippines at Philippine Star ng nasabing pang-aatake. Ilang alternative media rin ang nakararanas ng DDoS gaya ng Bulatlat, Altermidya, Pinoy Weekly, at Vera Files. 


Kaugnay pa nito, nagkaroon naman ng online glitch ang Inquirer Philippines at One News at iniulat pang matapos ang insidente ay may mga nawawala itong mga artikulo. 


Giit ng samahan, lubha itong nakaaalarma para sa kalayaan sa pamamahayag at karapatan ng masa sa impormasyon, lalo pa at papalapit na ang halalan. 


Dahil dito, "the College Editors Guild of the Philippines (CEGP) stands in solidarity with our mainstream and alternative media colleagues experiencing these grave assaults." 


Panawagan din ng grupo ang isang malaya at demokratikong pamamahayag ngayon, lalo na't "misinformation, disinformation, historical distortion, and black propaganda are prevalent." 


"It is high time that we hold the line not only for truth, justice, and freedom, but also for clean and honest 2022 polls," dagdag pa. 


Diin pa nila, dapat umanong panagutin ang lahat ng partidong may kasalanan sa mga pag-atakeng ito sa ating demokrasya at mga karapatan. 



Iniwasto ni Maverick Joe Velasco

Previous Post Next Post