Ni Xhiela Mie Cruz

Sinuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaunlad ng international rankings partikular na ang katayuan ng Pilipinas pagdating sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.

Photo Courtesy by Rappler / PowerSchool Learning

Aniya, dahil sa pangangailangan ng mga kabataan na kumonekta sa internet, gumamit ng mga computer, at gumamit ng mga educational material online, ipinahayag niya na walang magiging balakid sa pondo para sa sistema ng edukasyon ng bansa sa kanyang administrasyon.

“These skills and this knowledge are necessary for our young people to be able to compete in a highly technological and competitive world,” pahayag ni Marcos.

“The raw talent is there in our young people. It is up to our educational system to develop and to refine that great pool of talent,” dagdag pa ng pangulo.

Kaugnay pa nito, nangako rin si Marcos na wawakasan niya na ang "horror stories" ng mga palpak na educational materials sa panahon ng kanyang administrasyon.

Inilahad din ng pangulo na magpapatupad ang gobyerno ng isang programang naglalaman ng mga refresher course at re-training para sa mga guro upang matulungan sila na makasabay sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya.

“As for the ‘horror’ stories that we have heard about the poor quality of educational materials and supplies that are being given to our schools — this must end,” pahayag ni Marcos.

Kaugnay nito, ayon sa World Best Education Systems - Global Citizens for Human Rights, nakapagtala ang Pilipinas ng ika-55 na pwesto sa Education Rankings by Country nitong nakaraang taon.


Iwinasto ni Maverick Joe Velasco