World No. 1 Ruiz ligtas mula sa eliminasyon, pasok pa sa final six ng Premier League Pool
Patrick Pasta
Naisalba ni 2023 World Pool Champion at World Nineball Tour No. 1 Francisco Sanchez Ruiz ang sarili mula sa posibleng eliminasyon upang manatiling buháy sa final six ng Premier League Pool na ginanap sa US 1 Billiards, West Haven, Connecticut, United States, Marso 25.
Naisalba ni 2023 World Pool Champion at World Nineball Tour No. 1 Francisco Sanchez Ruiz ang sarili mula sa posibleng eliminasyon upang manatiling buháy sa final six ng Premier League Pool na ginanap sa US 1 Billiards, West Haven, Connecticut, United States, Marso 25.
Bumalikwas mula sa ikasiyam na puwesto ang nasabing defending champion tungo sa ikalimang puwesto tangan ang one-point-deficit kontra sa mga nangunguna upang sumelyo ng puwesto sa final six ng tunggalian.
Samantala, pinangunahan nina Joshua Filler at US Open defending champion Ko Ping Chung ang liderato matapos kapwa magposte ng 17 puntos mula sa 24 na mga match nila sa liga.
Sumunod naman sa dalawa sina Shane Van Boening, 5-time US Open winner, at Ko Pin Yi, na nagtarak ng 16 puntos gaya ni Ruiz, habang kinumpleto ni Fedor Gorst ang final six, 14 puntos.
Sa kabilang banda, laglag na sa tunggalian sina Wiktor Zielinski, Skyler Woodward, Mario He, at Albin Ouschan na bumuo sa top 10.
Ginulantang naman ni Bernie Regalario, 19-year-old Pinoy prodigy, si World No. 1 Ruiz matapos kalabitin ang 5-3 iskor sa unang araw ng liga, habang pinayukod din niya si dating World Pool Champion at US Open Champion Joshua Filler sa kaparehong kartada.
Gayumpaman, una na na siyang napasama sa eliminasyon maging ang isa pang Pinoy bet na si Michael Feliciano, highest-ranked Filipino sa World Nineball Tour.
Magpapatuloy ang tagisan ng anim na manlalaro sa huling araw mg Premier League Pool sa pag-aasam na makamit ang 20, 000 USD prize sa tunggalian.