TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Magkasintahan 'di raw bagay ayon sa horoscope; Babae, bugbog sarado

 Nina Gwyneth Morales at Archie Villaflores

LARAWAN MULA SA: Philippine Daily Inquirer

Pinagbubugbog ng isang auxiliary police officer sa Singapore ang kanyang girlfriend matapos sabihin ng isang Horoscope reading na hindi raw sila bagay magpakasal.

Sinaktan niya ang kanyang kasintahan, na kanya ring supervisor, sa Police Coast Guard Base sa Brani dahil nadismaya siya sa kanilang pagkakahiwalay.

Nang tinawagan muli ang biktima, nagbanta siyang papatayin at ikakalat niya ang nude photos ng kanyang ex sa internet.

Ni-record naman ng biktima ang buong tawag at nagamit bilang ebidensya sa nasabing krimen. 

Inamin din ng ex-girlfriend na hindi na siya masaya sa kanilang relasyon bago pa noong lumabas ang Horoscope.

Matagal na raw siyang sinasaktan ng pulis; pinagbawalan din siyang gumamit ng social media; at pinagawan siya ng listahan ng mga “maling” gawain.

Subalit, tinanggihan ng pulis ang alegasyong binugbog niya ang kanyang girlfriend at sinabing tinulak niya lamang ito sa pantry.

Ayon sa report, ipinaliwanag niya ring normal lang sabihin ang katagang “I am going to kill you now” sa Malaysia kung kaya’t wala siyang intensyong patayin ito.

Ngunit, nagkaroon daw ng “ridiculous and incredible afterthoughts” o malalang pag-iisip ang pulis matapos pakitaan ng ebidensya, ayon kay Deputy Public Prosecutor Shana Poon.

Dineklara naman siyang ‘not guilty’ sa lahat ng kanyang kaso noong nakaraang buwan –– 3 counts of causing hurt and criminally intimidating the victim.

Nangyari ang krimen noong ika-29 ng Nobyembre, 2018, ilang buwan pagkatapos nilang magkarelasyon.


KAUGNAY NA ULAT: Philippine Daily Inquirer