TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Palasyo sa Sinovac vaccine: ‘Presyong BFF’

 Nina Deighton Acuin at Gwyneth Morales

LARAWAN MULA SA: Philippine Star

Iginiit ng Palasyo nitong Huwebes na hindi maituturing na pinakamahal na bakuna ang Sinovac, isang Chinese pharmaceutical firm, dahil nakatanggap umano ang Pilipinas ng "BFF" rate.

Hindi tinukoy ni Presidential Spokesman Harry Roque ang presyo nito sapagkat sakop ito umano sa confidentiality clause of agreement.

“I’m not at liberty pero I can say, sa lahat po ng oorderin natin, hindi pinakamahal ang Sinovac. Alam niyo kasi ang Tsina, hindi ‘yan kapitalista, komunista ‘yan. So their prices are not driven by market forces. Pupuwede silang unilaterally mag-fix ng price,” ani Roque sa isang press briefing.

“At I can assure you, nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF. Hindi po pinakamahal ang SInovac. Paninira lang po ng oposisyon ‘yan,” dagdag ng opisyal.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., pinili ng gobyerno ang Sinovac dahil mura ito kumpara sa ibang bakuna, partikular sa mga galing Estados Unidos.

Kung hindi po ako nagkakamali, pangatlong pinakamahal lang po sya out of six brands. It is in the mid-range. Wala pong katuturan ‘yang mga nginangawa ng mga kritiko na napakamahal daw ng Sinovac,” paliwanag ni Roque.

Ayon sa report mula kay Senador Sonny Angara, nagkakahalaga ang bakuna ng Sinovac ng humigit-kumulang P3629.50 para sa dalawang doses kada isang indibidwal

Gayumpaman, ang bakuna mula sa Moderna ang may pinakamataas na presyo na nagkakalahaga ng P4,505 para sa dalawang doses kada isang indibidwal.


KAUGNAY NA ULAT: Philippine Daily Inquirer