TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Vice Ganda nagparinig: Ako komedyante, ikaw 'clown'

 Ni Gwyneth Morales

LARAWAN MULA SA: ABS-CBN News

"I'm a comedian, you're the clown."

Bagamat hindi siya nagbanggit ng pangalan, lumalabas na ito ang patutsada ni Showtime Host Vice Ganda matapos siyang paringgan ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Matatandaang pinuna ni Vice ang naging pahayag ni Roque na bawal maging mapili ang publiko sa bibilhing bakuna laban sa COVID-19.

"Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!" aniya sa isang tweet nitong Enero 12.

Subalit, kumagat si Roque sa parinig at sinabing, "Kung hindi naman po natin pagtitiwalaan ang mga experts…sino ang ating pagtitiwalaan? Siguro po hindi mga komedyante."

Sumagot naman pabalik si Vice kinabukasan at tinanong ang madlang pipol kung okay lang sa kanila na maturukan ng bakuna ng Sinovac.

Ngayong Miyerkoles, hindi pa rin umawat si Vice sa pagpaparinig laban kay Roque.

"Hindi ako clown. I'm a comedian at may kilala akong clown," diin niya.

Inaasahang darating sa bansa ang paunang doses ng Sinovac vaccine sa Pebrero.


KAUGNAY NA ULAT: News 5