Ni Gwyneth Morales

LARAWAN MULA SA: ABS-CBN News

Pumutok na sa 18 porsiyento ang mga Pilipinong walang love life noong 2020, ayon sa sarbey na inilabas ng Social Wether Stations (SWS).

"The latest percentage of those with no love life is a new all-time high that surpassed the previous record of 14 percent in 2016, 2017, and 2019," paliwanag ng SWS.

Sa kabilang banda, 50 porsiyento naman ng mga Pilipino ang nagsabing “masayang-masaya” sila sa kanilang buhay pag-ibig.

Anila, ito ang pinakamababang bilang ng mga taong nagsabing masaya sila sa kanilang love life simula 2014.

Samantala, 31 porsiyento ang nagsabing nais nilang mas sumaya pa ang kanilang mga relasyon.

Isinagawa ang nabanggit sarbey noong Nobyembre 21 hanggang 25 sa gitna ng pandemya.

Nasa ±2.5 porsiyento ang sampling error margins sa national percentages, ±4 porisyento sa Balance Luzon, at ±6 porsiyento naman sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.


KAUGNAY NA ULAT: ABS-CBN News

PAALALA