'Biro lamang, walang malisya'

Nina Deighton Acuin at Archie Villaflores

PHOTO: Inquirer Bandera

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang malisya ang kumakalat na video sa social media ng di umanong panghihipo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa niyang kasambahay.

“Alam mo naman talagang palabiro ang ating Presidente, pero wala pong malisya ‘yun dahil nakaharap naman po doon si Ma’am Honeylet,”  ani Roque sa kanyang media briefing nitong Lunes.

Ito ang winika ni Roque matapos magdaos ng ika-76 kaarawan si Duterte sa kaniyang tahanan sa Davao City noong Linggo, Marso 28.

Sa isang birthday dinner, naunang hinipan ng Pangulo ang kandila na nakalagay sa “rice cake.”

Matapos nito, isang kasambahay ang lumapit kay Duterte, dala ang isang maliit na birthday cake na may nakatirik na kandila. Anyong hihipuan ni Duterte ang kasambahay ngunit maagap niyang naiwasan ang Pangulo.

Gayumpaman, ayon kay Roque, matagal nang kasambahay ng pamilyang Duterte ang babae.

“Kung may magrereklamo, dapat iyong kasama niya sa bahay,” dagdag ng tagapagsalita.


KAUGNAY NA ULAT: Inquirer Bandera


Previous Post Next Post