TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Roque: Kung hindi dahil kay Duterte, wala pa rin sana tayong bakuna

Nina Gwyneth Morales at Archie Villaflores

PHOTO: UNTV/Harry Roque

Para kay Presidential Harry Roque, hindi pa rin makakukuha ng bakuna laban sa COVID-19 ang bansa kung hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang naging presidente.

“Patuloy po akong nagpapasalamat dahil ipinahiram ninyo sa amin ang Presidente Rodrigo Roa Duterte. Kung hindi po ngayon ipinahiram sa bansang Pilipinas ng Davao ang ating presidente siguro po ngayon wala pa ring bakuna,” aniya nitong Biyernes.

Ngayong linggo, nakatamo na ang bansa ng 600,000 CoronaVac vaccines galing sa Tsina, at 487,200 AstraZeneca vaccines galing sa COVAX facility.

Sabi pa ni Roque, posible lamang ito dahil sa independent foreign policy ni Duterte.

“Kung tayo po ay nag-rely lamang po doon sa dati nating sinasandalan na bansa, hanggang ngayon po wala sana tayong natanggap dahil ngayon po ang mga bakuna," giit niya.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Duterte na hindi siya kundi ang mga Pilipino ang rason sa likod ng COVID-19 vaccines na donasyon ng Tsina.

“I do not want to grab the credit. The credit is (due to) the Filipino people, (who) inspired us to crank our grey matter between the ears on how really can we muster a good plan,” aniya sa isang weekly public address nitong Lunes.

Sa ngayon, sinimulan na ang pagpapabakuna ng healthcare workers gamit ang CoronaVac vaccines.


KAUGNAY NA ULAT: Manila Bulletin