Nina Deighton Acuin at Archie Villaflores

PHOTO: Presidential Communications

“Tatagal kaya ako dito sa p*tang in*ng pwesto na ito kung inutil ako? Would the military allow me to govern [nang] gano’n ang pamamalakad mo? Wala kang ginawa?” 

Ito ang muling hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mga kritiko nitong Lunes matapos kuwestiyunin ang tila pagkawala niya sa publiko nang higit sa dalawang linggo. 

Sa kaniyang Talk to the People, ipinaliwanag ni Duterte ang hindi niya pagpapakita sa mata ng publiko nitong mga nakaraang araw sa gitna ng lumalalang pandemiya sa bansa dulot ng COVID-19.

“Talagang sinadya ko iyon. Kapag kinakalkal ako, para akong bata. ‘Pag lalong kinakantyawan, mas lalo akong gaganahan,” ani ng pangulo. 

Nging sentro ng mga agam-agam kamakailan ang pagpapaliban ni Duterte ng kaniyang lingguhang Talk to the People ng dalawang beses.

Dahil sa isyu, naglabas ang kaniyang dating alalay at ngayong Senador Christopher “Bong” Go ng mga larawang nagpapakita ng paglalakad-lakad, pagsakay sa motorsiklo, at paglaro ng golf ng pangulo sa loob ng Malacañang Complex. 

Sinabi rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang dapat na ipag-alala ang publiko sapagkat walang tinatagong karamdaman ang pangulo.


KAUGNAY NA ULAT: Philippine Daily Inquirer