Dagdag na P265-M budget, inilaan para sa Manila Bay rehab

Nina Gwyneth Morales at Archie Villaflores

LARAWAN MULA SA: CDN/Inquirer.net

Popondohan muli ng karagdagang P265 milyon ang Manila Bay rehabilitation program para sa ikalawang yugto nito, kinumpirma ng Department of Environment and Resources (DENR) nitong Lunes.

Balak ng DENR na kapalan nang isang metro ang tinuturing nilang "white sand" sa baywalk area ng Manila Bay sa pamamagitan ng pagbubuhos ng durog na dolomite, isang mineral na kadalasang ginagamit sa konstruksiyon.  

Ayon sa DENR, aabot ang dagdag na buhangin mula Baywalk area hanggang Padre Faura, na may habang 140 metro at lapad na 60-120 metro. 

Kasama rin sa nasabing pondo ang miscellaneous activities kagaya ng pagtayo ng solar lighting, temporaryong bakod, at fishing wharf. 

Matatandaang naglaan ng P398 milyong badyet ang DENR noong 2020 para sa "dolomite sand beach project," na binatikos ng mga eksperto dahil sa panganib nito sa kapaligiran.

Tinatayang matatapos sa ikatlong yugto ng 2022 ang rehablitasyon sa Manila Bay. 


KAUGNAY NA ULAT: Rappler


Previous Post Next Post