PH-China relations lumalim sa Duterte admin — Chinese Ambassador
Ni Annie Jane Jaminal
LARAWAN MULA SA: ABS-CBN News |
Lalo pang "lumalim" ang relasyon ng Pilipinas at China sa ilalim ng administrasyong Duterte, ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Sa isang virtual forum, sinabi ni Xillian na nakatuon umano ang dalawang bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaibigan simula pa lamang nang maupo si Pangulong Duterte sa pwesto noong 2016.
Ayon pa sa naturang ambassador, maayos rin umanong napapag-usapan ang maritime disputes at ang economic relations ng dalawang bansa sa nakalipas na limang taon.
“In the past five years, with the commitment to peace and friendship, our two countries have continuously deepened pragmatic cooperation, properly handled maritime disputes, and brought tangible benefits to our peoples,” ani Xillian.
KAUGNAY NA ULAT: ABS-CBN News