Relasyon nina Duterte, Pacquiao hindi na tulad ng dati — Palasyo
Ni Gwyneth Morales
LARAWAN MULA SA: GMA News |
Dahil sa bangayan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao, nagbago na umano ang relasyon ng dalawa, ayon sa Palasyo nitong Martes.
"I think it’s rather obvious that the relationship between the President and Sen. Pacquiao is not cordial as it was," aniya Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nang tanungin kung posible pa ring suportahan ng pangulo si Pacquaio sa darating na eleksyon, sinabi ni Roque na, "Hindi naman po definitely because in the realm of politics… anything is possible."
Noong Lunes, hinamon ni Duterte ang senador na pangalanan ang mga korap na opisyal at ahensya sa pamahalaan pagkatapos sabihin ni Pacquiao na "tatlong beses" mas korap ang kasalukuyang administrasyon.
"If you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty. Do it, because if not I will just tell the people, do not vote for Pacquiao because he is a liar," pagbabanta ng pangulo.
Tinanggap naman kinabukasan ni Pacquiao ang hamon ng pangulo at nilinaw ang kaniyang imahen bilang isang opisyal.
"Mawalang galang po mahal na Pangulo, ngunit hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling," aniya.
Kabilang ang senador sa mga inilista ni Roque na posibleng suportahan ng presidente sa darating na halalan, kasama sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, dating senador Bongbong Marcos, at Senador Christopher "Bong" Go.
Mga sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN News, UNTV
PAALALA
PAALALA