TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Palasyo sa paglagapak ng Pinas sa 'least safe country': 'Things would get better'

Ni Annie Jane Jaminal

PHOTO: Office of the Presidential Spokesperson

Positibo ang Malacañang na magiging mabuti pa ang kalagayan ng bansa sa kabila ng pagiging kulelat ng Pilipinas sa 134 na listahan ng mga bansang pinakaligtas, ayon sa ulat ng Global Finance na isang international magazine noong Huwebes.

Ayon sa ulat ng Global Finance na World Safest Countries 2021, nakakuha ang Pilipinas ng puntos na 14.8899 kung saan ay pinagbatayan ang mga dahilan na sinuri gaya ng giyera at kapayapaan, seguridad, kalamidad at mga problema dulot ng COVID-19.

Nanguna naman ang Iceland sa listahan ng pinakaligtas na mga bansa na nakakuha ng 3.9724 puntos, kahilera ang United Arab Emirates na may 4.2043 puntos, at Qatar na may 4.5609 puntos.



"Each of these factors was based on 2020 reports that were done in 2021. In order to make sure the data is relevant to current experiences, the COVID-19 scores were derived from data as of May 30, 2021," ayon sa Global Finance.

Samantala, isa-isang sinagot ni Presidential Spokesman Harry Roque ang ulat na inilabas ng Global Finance.

"We are optimistic that things would be better with more and more people get vaccinated, coupled with our strict implementation of Prevention-Detection-Isolation- Treatment and Reintegration Strategy," wika ng kalihim.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Roque na kuntento ang 86 porsyento na mga Pilipino sa ginagawang pagtugon ng administrasyon sa pandemya.



Binigyang-diin din niya na "on track" ang gobyerno sa pag-abot ng target na population protection sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan pagdating ng Nobyembre ngayong taon basta matiyak na sapat ang suplay ng bakuna.

Ayon pa kay Roque patuloy na bumubuti ang disaster management system ng bansa sa kabila ng pagiging prone ng Pilipinas sa mga natural na kalamidad.

Aniya, mas naging matatag pa ang mga Pilipino pagdating sa pagharap sa mga kalamidad.

Dagdag pa ng kalihim, "We are not at war, and since the start of the strict implementation of community quarantine in March 2020, there was a significant decline in crimes per the Philippine National Police."


Mga sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer, GMA News