20k kaso ng COVID-19, asahan pa sa mga susunod na araw — OCTA Research
Ni Cherry Babia
Ngayong naitala ng Department of Health ang humigit 20,000 kaso ng COVID-19, ang pinakamataas sa loob ng isang araw, inaasahan ng grupong OCTA Research na maaring makapagtala pa ng naturang bilang sa mga susunod na araw bunsod ng pagdami ng mga nagkakasakit dulot ng Delta variant sa Pilipinas.
PHOTO: ABS-CBN News |

"’Yung bilang ng kaso, maaari siyang humigit sa 20,000 cases per day lalo na [at] medyo tumataas pa ang bilang, greater than one pa yung reproduction number sa buong bansa," saad ng OCTA Senior Researcher, Dr. Guido David, sa isang television briefing.
Ayon kay David, kung magkakaroon man ng downward trend sa Metro Manila, sa ibang mga rehiyon naman ay maaaring hindi pa rin maabot ang 'peak' bagkus baka mas tumaas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19.
"Pero hindi pa naman natin nakikita na tataas siya na malayo sa 20,000. Maaaring humigit siya roon pero yung mga nagsasabi kung hanggang 30,000, wala pa naman 'yan sa nakikita natin ngayon. Kung magkakaroon ng downward trend sa Metro Manila, mag-peak na rin ang bilang ng kaso natin below 25,000," saad ng OCTA Senior Researcher.
"What we are expecting that after we have 20,000 or 21,000, baka magpi-peak na tayo and then it will gradually decrease but this is not a guarantee, kasi iba-iba yung trends sa Philippines eh," dagdag niya.
Nagtala ang DOH kahapon ng 1,976,202 kaso ng COVID-19, 1,794,278 recoveries, at 33,330 deaths.
Mga sanggunian: Philippine Daily Inquirer, Manila Times, Rappler