Ni Patrick Caesar Belas

Pinagpapaliwanag ngayon ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang National Task Force Against COVID-19 kaugnay sa mabagal na pag-usad ng tripartite agreement para sa procurement ng COVID-19 vaccines.

Isinumite ni Zubiri ang Senate Resolution 858 noong Martes sa Senate Committee of the Whole Vaccination Program upang pa-imbestigahan ang concern sa bakuna matapos mapag-alamang 42 kasunduan ang hindi napirmahan ng NTF, dahilan upang ma-delay ang delivery ng tinatayang 10 milyong bakuna na binili ng local government units (LGU) at 300 pribadong kompanya.



“They have applied for multi-party agreements with the national government, but these have remained unsigned and haven’t been acted upon,” saad ni Zubiri sa isang statement.

Nabanggit naman ng senador na 42 local government na ang nakapagpa-reserve at bumili ng bakuna kasama ang mga private sector. 

“I believe 42 local governments have already reserved, provinces from Marinduque to Bukidnon, all these provinces, nag-order na po sila, pati (they ordered their own vaccines even the) private sector," ayon kay Zubiri.

Samantala, palaisipan pa rin umano sa mga LGU at private firm kung ano ang nagpapabagal sa proseso gayong ang tanging hangarin lamang nito ay makatulong sa vaccination drive ng bansa.

“It boggles the mind once again. Nandito na po ’yong pondo. Ito po ay locally-sourced funding, ’di po sa national government. Hindi na po natin kailangang mangutang. ’Di na po kailangan mag-realign ng budget,” ayon sa mambabatas.



“The feedback by most of the LGUs na kinausap ko, wala pa (that I have spoken with, there are no updates on the agreements). Almost all have not been signed… It’s all on hold,” dagdag pa niya.

Matatandaang sa bisa ng Vaccination Program Act of 2021, pahihintululan ang mga LGU at mga pribadong kompanya na mag-procure ng COVID-19 shots, sa kondisyong makikipagkasundo ang mga ito sa gobyerno at vaccine manufacturers sa ilalim ng tripartite agreement. 


Mga sanggunian ng ulat: GMA News, CNN Philippines