DOH, muling nilinaw: Mga 'air purifiers' 'false security' kontra COVID-19
Ni Charmaine Delos Santos
PHOTO: Manila Bulletin |
Nitong Lunes ay muling ipinaalala ng Department of Health (DOH) na huwag gumamit ng mga air purifier dahil bukod sa maaaring magresulta lang ito sa mas mataas na bilang ng mga impeksyon nang dahil sa ‘false security’, hindi ito nakakapagbigay ng proteksyon sa mga tao laban sa CoronaVirus Disease-2019 (COVID-19).
Sa isang press briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang paggamit ng air purifiers ay hindi inirerekomenda ng DOH dahil wala pa itong kongkretong ebidensya na makakapag patunay na ligtas gamitin ang nasabing gadyet.
“What it will do, it will give false security to our kababayans na baka magkaroon ng complacency because of this, and baka lalo pa tayong magkaroon ng infections,” ani Vergeire.
Sa kabila ng lahat, hinikayat pa rin ni Vergeire na sana huwag na lang gamitin ang nasabing gadyet kahit hindi ito nakakapag resulta ng kapahamakan sa mga tao.
“We recommend against the use of ionizing air purifiers to reduce COVID-19 transmission in the community,” nakasaad sa Philippine COVID-19 Clinical Practice Guidelines (CPG).
Ayon kay Vergeire, nasa opisyal na mga patakaran ng DOH na sinusunod nila ang bawat rekomendasyon na ibinibigay sa kanila ng CPG.
“Sa ngayon, talagang hindi natin nirerekomenda ang mga necklace air purifier at sinasabi na rin ng ebidensya at mga eksperto, it’s not going to provide that protection,” dagdag ni Vergeire.
Sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer