Women's 200m: Olympic debut run ni Knott, bitin para sa semis
Nina Winlei Kim Castro at Sebastian Lei Garcia
LARAWAN MULA SA: Yahoo News |
Kapos ang 23.80 segundong marka ni SEA games women's 200m record holder Kristina Knott nitong Lunes sa Olympic track stadium para umabante sa semi-final round.
Sumwak lamang sa ika-limang pwesto si Knott sa heat 7 na pinangunahan ni world #13 Jenna Prandini, 22.56 segundo.
"I didn't feel good for the last 40 meters," pahayag ni Knott mula sa interbyu ni Paolo del Rosario ng One Sports.
Kasama ni Prandini sina Gina Bass ng Gambia, 22.74; at Riley Day ng Australia, 22.94 sa top 3 ng naturang heat na uusad sa susunod na round.
Sa kabuuan, nagtapos sa 37th place si Knott mula sa 41 kalahok - 24 ang tumuloy sa pag-sungkit ng podium finish.
Bumagal si Knott kumpara sa kanyang 23.01 national record at 23.17 season best.
Naghari si Christine Mboma ng Namibia, 22.11 seconds, sa pitong heats na preliminary stage.