TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

Bolts, ginulantang ang Dyip; NLEX, pinaluhod ang Blackwater

Ni Sebastian Lei Garcia

PHOTO: PBA

Sinira ng 2020 PBA 5th Placer Meralco bolts ang pag-asa nitong umabante sa quarterfinals matapos tanggalin sa listahan ang Terrafirma Dyip, habang nagawa namang paluhudin ng NLEX Road Warriors ang Blackwater Bossing sa 2021 Philippine Basketball Association kanina sa Ynares Sports Arena, Pasig, Philippines.

Naging susi ang 6-0 run upang makakalas sa dikit na bentahe sa huling limang minuto ng ika-apat na kwarter para mdakip ang pagka-wagi, 95-83, kontra Terrafirma at magtarak ng 6-2 win-loss record.

Nagsumite ng 17 marka at walong rebounds si 26 taong gulang Bong Quinto upang hatakin ang kanyang koponan kasama nina Anjo Caram na may 13 puntos at Allein Maliksi na nagpakawala ng 12 tira para waasakin ang Terrafirma.

Sa kabilang banda, umangat ng isang pwesto sa standings ang NLEX Road Warriors makaraang pagurin ang “winless” Blackwater Bossing, 90-73.

"We wanted to go into this game with a sense of urgency. Our mindset was we desperately needed five wins. That's going to give us a chance to make the next round," ani NLEX coach Yeng Guiao.

Naging pasyado na agad ang laban dahil sa ginawa na pag-abante ng Road Warriors, 82- 66 ,may huling apat na minuto natitira.

Masisilayan naman natin ang Northport Batang Pier at Magnolia Hotshots kasabay ng San Miguel Beermen at Phoenix Super LPG, Barangay Ginebra San Miguel kontra Alaska Aces na magbakbakan bukas.