Bongbong 'overwhelmed' sa pagkanominado niya sa pagka-presidente sa 2022
Ni Kier James Hernandez
PHOTO: Rappler |
Ikinatuwa ni Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., anak ni dating diktador Ferdinand Marcos, Sr., ang paghirang sa kaniya bilang 'standard-bearer' sa darating na halalan 2022.
Nitong Setyembre 24, pormal na inanunsiyo ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL), grupong pulitikal na itinatag ng kaniyang ama, ang pag-endorso nila kay Bongbong, kahit na hindi nila ito miyembro sa kanilang partido.
"I am of course overwhelmed by the expressions of support and endorsement that you have given me today," ani ng dating senador sa isang video message.
Sa isang resolusyon, iginiit ng KBL na lubos na inaprubahan ng mga opisyal at miyembro ng partido ang nominasyon ni Junior Marcos.
Bagama't hindi pa tinatanggap ni Marcos ang nominasyon, pinasalamatan niya ang naturang partido para umano sa tiwala at suportang ibinigay sa kaniya, sapagkat siya ay orihinal na mula sa Nacionalista Party.
"If they endorse me, I also thank them for that expression of support and trust they have bestowed upon me," aniya.
Tinanong kung tatanggapin niya ba kalaunan ang alok, sinabi ng dating senador na "I will answer you when the time comes."
Gusto raw umano niya gamitin ang lahat ng oras na mayroon siya sa pagdedesisyon sapagkat hindi raw minamadali ang mga ganoong bagay.
"You cannot rush these things and I fully intent to take all the available time that I have to make my decision. It is very important and it is not something that should be rushed without having the most complete knowledge about the political situation at every level," dagdag pa niya.
Matatandaang si Bongbong, na natalo noong halalan 2016 sa pagka-bise presidente, ay matagal nang isinasaalang-alang ang pagtakbo muli sa pambansang posisyon sa 2022.
"I feel that at least it's a possibility. It's certainly part of the plan. The presidency is not taken off the table by any means," saad niya.
Kaugnay nito, kung sakali mang tatanggapin niya ang nominasyon, kakalabanin niya sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo 'Ping' Lacson, at Senator Manny Pacquiao.
Tatakbo naman mula ika-una hanggang ika-walo ng Oktubre ang Commission on Election (COMELEC) filing of candidacy.
'Mad attempt — CARMMA'
Naghayag naman ang Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) ng matindi nitong pagsalungat sa nasabing nominasyon, at sinabi pa itong 'mad attempt'.
Ito'y dahil daw baka makatakas ang mga ito sa pananagutan para sa krimeng naidulot ng kanilang pamilya at upang maitaguyod ang mga pangkasaysayang kasinungalingan na kanilang pinagtatakpan hanggang sa ngayon.
"The Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) reiterates its strong opposition to the bid of the former dictator Marcos Sr.’s son for the top posts in the national elections," pagtutol nila.
"Bongbong’s run is a mad attempt for the Marcoses to return and restore their power and rule on a country pillaged and violated during Marcos’s martial law, to further evade their accountability for their crimes, and to promote the historical lies that they have perpetuated," dagdag pa ng samahan.
Bukod pa rito, isa raw itong direktang pagsuporta para sa pagpapatuloy ng nakamamatay na panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kilala bilang isa sa mga pinakamalapit na kakampi ng Pangulo.
"It is also a form of direct support for Duterte’s continuation of his murderous rule, with the Marcoses serving as among his closest allies throughout his administration ridden with countless allegations of extrajudicial killings and other human rights violations, corruption and anti-people governance, and subservience to foreign interests," giit pa.
Kasama ang mga Pilipino, mananatili raw umano silang matatag na titindig sa #NeverAgain sa mga diktador, magnanakaw, at mamamatay-tao.
"Together with the Filipino people, we will remain steadfast in saying #NeverAgain to dictators, plunderers and murderers in power," sambit ng samahan.
'BBM, binuweltahan ang patutsada ni VP Leni sa kaniya'
Sinagot naman ni Bongbong ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na handa siyang tumakbo, kung one-on-one ang laban kontra sa kaniya.
"Kapag tumakbo ka naman hindi para lumaban sa isang tao, ang takbo e dahil sa palagay mo may maitutulong ka at merong karanasan, may kakayahan ka, hindi ka tatakbo kontra kay ganito," banggit niya.
Tugon pa ni Bongbong, hindi raw siya kumakandidato para labanan ang isang tao ngunit para tumulong sa bansa.
"Hindi ako tumakbo para labanan ang isang tao, tumakbo ako para tumulong sa bansa," ani pa niya.
Samantala, nauna nang isinaad ni Marcos na madali niyang matatalo si Robredo kung one-on-one ang laban.
Mga sanggunian: Philippine Star, GMA News, CARMMA
PAALALA
PAALALA