Ni Lynxter Gybriel Leaño

PHOTO: SENATE PRIB

Sobra pa raw sa Martial Law kung maituturing ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging utos ng Senado na ipakulong si Linconn Ong, direktor ng Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos tila iwasan ni Ong ang mga tanong ukol sa mga naging anomalya ng kanyang kumpanya.

Ayon ito sa weekly briefing ng pangulo na kung saan tinuligsa niya ang mga senador kung bakit ginagamit ang salitang "kulong" bilang panakot sa mga taong iniimbestigahan sa senado.

“I thought the people in the Philippines don’t like martial law. Now look at what the Senate has done. It is just more than martial law,” pahayag pa ni Duterte.

Iginiit pa ng presidente na mas mabuti pa raw ang martial law dahil dadalhin ka nito sa military court at doon ay may pagkakataong makapagpaliwanag ng mabuti.

Dahil dito, nagtataka na siya kung ano naging opinyon ng Human Rights tungkol sa sa pangyayaring ito.

“I want to hear what the human rights [advocates] will say. The Constitution really provides that no person should be deprived of life, liberty, or property without due process of law,” sabi niya.

Dagdag pa ni Duterte, ganyan ba raw ang kalakaran ng isang Kongreso kung saan dapat hindi sinisisi ang tugon ng isang kinukwestiyong tao kapag hindi naaayon sa sagot ng mga senador.

“Do not blame him because that is his truth. You cannot just assume altogether that he is lying,” giit pa ng pangulo.

Matatandaang iniimbestigahan ng Senate blue ribbon committee ang Pharmally na nagresulta sa utos na pagpapakulong kay Ong dahil sa mga iniiwasang tanong tungkol sa walong bilyong pisong transaksyon sa pagitan ng gobyerno at kanyang kompanya. 


Sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer