Ni Nikki Coralde

PHOTO: PCOO

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pagdinig ng House of Representatives hinggil sa isyu ng pagbili ng gobyerno ng mga overpriced na COVID-19 medical supplies.

Sa kaniyang pahayag nitong Huwebes, Setyembre 16, sinabi ng Pangulo na mas nabigyan ng House Committee ang mga resource person ng pagkakataon na magpaliwanag sa mga akusasyon ukol sa paggamit ng COVID-19 funds.

“In the House as I was informed, everybody was given a chance. Those who were called to testify were able to complete their story and it was a more sane inquiry kasi yung mga witnesses nakapagsalita ng kanilang totoong sagot,” ani Duterte.

Kasabay nito, nauna nang pinuntirya ng pangulo si Senator Richard Gordon na chair ng Senate Blue Ribbon Committee dahil pinuputol raw nito ang testimonya ng mga resource person sa kasagsagan ng pagdinig. 

Dagdag pa niya ay maging ang Commision on Audit (COA) chairperson na si Michael Aguinaldo ay hindi pinatatapos ni Gordon. 

“We could not get a thorough answer from the Senate because it is presided over by a despot Gordon who does the talking. He cannot help but talk. He interrupts the resource persons with questions and cutting them off and providing the answer,” sabi pa ni Duterte.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson Rep. Michael Aglipay na hindi raw dapat sinisiraan ang Pangulo gaya ng ginagawa sa Senate hearings.


Sanggunian ng ulat: Inquirer News